I do not really know what I really wanted in my life.

Minsan sasabihin ko, gusto ko na bigla ayaw ko muna pala.

Tapos whenever I saw bi/gay couples naiingit naman ako. Puchang buhay to.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat unahin ko.

Kaya minsan I ended up lying on my bed doing nothing, tamad na tamad sa buhay ko. Shet ang drama ko diba?


Sabi kasi nila, pag nahanap mo na yung taong magpapasaya sayo, para ka ulit pinanganak..

Seeing the world like a new born child with a blissful life ahead.

Pero until now di ko pa ba nakikita? O nakita ko na pinalampas ko lang?

My friends asked me a question.. “ANO BA TALAGANG GUSTO MO?” Kasi daw ang random ko daw, hindi daw definite yung gusto ko toward sa isang lalaki.

Di ko rin talaga alam kung ano ang gusto ko, basta pag nakita ko na siguro siya… Siya na iyon.


Until then, katamad pa din ang buhay ko. Writing this while lying on my bed.

Well that’s life.

He was like my boyfriend and a friend, i miss the old little brother of mine, minsan hiniling ko din na sana di na lang siya tumanda at nag mature :((

 Lagi na lang ako iniiwan o sinasaktan… Pwede bang iba naman?

Kaya minsan ayokong napapalapit sa tao, sana kaya kong hindi ma-attach… sana hindi ako ganoon ka babaw na iiyakan ko yung ganitong bagay, na lagi na lang akong iiyak sa mga maliliit na bagay…

  Sana hindi na lang ako naging soft-hearted para di ako nasasaktan palagi

What a life

  Ito na naman po tayo sa aking kadramahan, sorry na, dito ko lang na-shashare ang mga hinanakit ko sa buhay eh. pero ito na nga…

  Ang hirap lang na, yung taong mahal mo, onti onti nang nagbabago…

Namimiss mo yung bawat tawa, bawat usapan, bawat pagsasama, bawat sorry, bawat yakap, bawat pagsasabi nang kung gaano niyo namimiss ang bawat isa…

  Masakit na makita, malaman, maramdaman na nilalamon na ng panahon yung taong mahalaga sa iyo…

  Napakasakit lang na sobra yung pagmamahal na binigay ko, and I know that I do not need to expect in return pero hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako, siguro kasi masyado kong minahal yung tao.

  Namimiss ko yung dati, kung saan gusto mo laging ako ang kasama mo, ako ang kinakausap mo, nagagalit ka kapag hindi ka pinapansin, pero ngayon the world has been reversed.

  Sinasanay ko na ang sarili ko na mag-isa ulit, sinasanay na hindi magalala, magmahal at isipin ka.

  Inaantay ko lang na sabihin mo na ayaw mo na, nang sa ganoon, masimulan ko na… ng hindi na ako magmukhang tanga..

  Sana noon pa lang hindi na lang niya sinabi ang mga salitang binitiwan niya, ng hindi ako umasa na walang magbabago.

- Tang ina akala mo tungkol sa boyfriend eh no pero huuu basta…

lagi na lang ako nasasaktan at naiiwan, pwede iba naman? hu =(

Not a suicide note

I always get sentimental…

when looking up on our pictures, i mean my picture with my friends…

I always ended up tearing up well sometimes overly crying…

di ko talaga alam sobrang mahal na mahal na mahal ko sila…

mas pipiliin ko pa ngang may pasok, may gala kaysa nandito sa bahay mag-isa…

lagi kong sinasabi sa kanila kung gaano ko sila namimiss…

kung paano na lang last year na namin magkakasama???….

sinasabi ko palagi na malungkot na masaya itong year na ito…

masaya in terms na gagraduate na kami *SANA haha*…

malungkot kasi ito na yung time na last year na namin magkakasama, magkikita-kita madalas…

mapaparamdam sa isa’t isa kung gaano kalapit sa puso namin ang bawat isa…

shit ayaw kong umiyak pero ito na naiiyak na talaga ako…

pag kagraduate ko, hindi grades ang mapagmamalaki ko eh, kundi I had an amazing friends, not had but have…

I will treasure them, ililibing ko sila ng buhay kasama ko, charot… pero pwera biro… sobra talaga pasasalamat ko…

Sana after this whole adventure of a life time na ito, sana hindi kami magkalimutan…

natatakot ako na baka after, mawalan na ng communication, mawalan ng connection…

mas masakit pa sa heartbreak at rejection ang mawalan ng mga taong sobrang nagpasaya at umintindi sayo…

SHETTT I LOVE YOU GUYS!! HINDI ITO SUICIDE NOTE =))) <333 =’((

drama sa hapon

hindi natin alam kung kailan tayo magkakagusto sa isang tao
hindi natin alam na neighbors pala kayo, kaklase mo pala, kaibigan mo or whatsoever..
Masayang magmahal, pero masakit din dahil you are expecting in return.
Alam natin na maling mag expect, pero hindi mo talaga mapipigilan ang sinisigaw ng iyong damdamin.
napaka cliche ko diba? pero that’s the truth about me.

Hindi mo rin masisisi ang taong nagugustuhan mo, it is not all about you. It is all about the fact na, ang bawat tao ay may standards, may tipo or in short, ayaw niya talaga sayo.
Kahit gaano mo man sabihin ang nararamdaman mo sa taong nagugustuhan mo, kung the feeling is not mutual, wala kang magagawa.
you’ll end up breaking up your heart.

Do not waste your time on earth nga daw, so make most out of it.
Pero alam mo yung nasa verge of confusion ka na, hindi mo na alam kung ano ang dapat gawin.
Mahirap ng gumawa ng right move dahil any moment mali ang kalalabasan, mali ang masasabi ng iyong bibig, at ikaw ay mabibigo.

Now, I know in myself na, love isn’t enough, love isn’t enough if you only love him but he didn’t.
Ngayon hindi ko na alam kung anong gusto ko sa buhay, para bang go with the flow? bahala na kung may darating? bahala na?
Kaso feeling ko nagsasayang ako ng oras kakaantay… dahil in the near future, kapag wala pa rin, wala na talaga.

im at the age na malapit na akong maging dull. mawalan ng suprising emotions, mawalan ng kulay.

if dumating ang panahon na wala na talaga, then I think i prefer to die young.

Seriously, I do not know what I am living for.
I want someone to give my life a purpose.

sa buong buhay ko lamang ang naging malungkot ako. dahil na lang sa mga kaibigan ko kaya ako nagiging masaya.

I envy the people who’ve been inloved and been loved. who threw their promises with the wind and loved each other the rest of their lives.

Maybe this rain will go away, but the sorrows, the regrets and the pain.

 TYPE OF BOYS HE LIKE? ME.

my life at risk


hindi ko talaga alam kung ano ng nangyayari sa buhay ko…

hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat…

hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay ko…

para akong naiwan sa kawalan… Lost beneath the sea of nothingness..

hanggang ngayon parang hindi ito yung gusto ko para sa buhay ko…

kung kailan malapit ng matapos, feeling ko hindi ito yung para sa akin…

pero kailangan kong maging practical…

kaso habang buhay ko tong pagdurusahan…

feeling ko may kulang pa talaga sa buhay ko, may hinahanap pa ako, may hindi pa ako nararating…

may certain feeling na, nakakatamad bumangon sa umaga, nakakatamad mag-aral, nakakatamad kumain, nakakatamad mag-isip…

hindi ko alam kung ano ba talaga…

hindi na ako masaya sa nangyayari sa buhay ko…

mukha lang akong masaya pero sa totoo, hindi ko na alam ang ginagawa ko…

feeling ko nasisira na buhay ko ng onti-onti, feeling ko hindi na tama yung ginagawa ko…

sana mahanap ko na kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay…

dahil kung hindi, habang buhay na mali ang dinadaanan ko…

IKR KAKASHI SEMPAI~

BS Applied Mathematics major in accounting lang bhe? Haha #kklk #potd #studious